Delta White, UST Gold wagi sa Smart tourney
MANILA, Philippines - Hinirang bilang best player sa kababaihan si Elaine Alora para pangunahan ang Delta White sa kampeonato sa idinaos na 35th SMART National taekwondo tournament sa Makati Coliseum kamakailan.
Nakasama ni Alora sa Deltans sina Alyssa Bonifacio, Leigh Anne Nuguid, Apriel Solimen, Jyra Lizardo, Patricia Sembrano at Annalyn dela Pena at ang koponan ay hinawakan ni Stephen Fernandez na nanalo bilang best coach.
Pumangalawa lamang ang entrada ng UST Black habang ang UST Gold ang pumangatlo. Bumawi naman ang men’s team ng UST Gold nang kunin ang titulo sa kalalakihan.
Si Dindo Simpao ang nanalo bilang best coach sa kalalakihan habang ang kanyang manlalaro ay sina Christian Al Dela Cruz, ang best player, Prince Marcos, Paulo Darilag, Paul Romero, Ernest Mendoza, Ronnel Avenido at Rodolfo Reyes.
Pumangalawa sa iba’t ibang kategorya ay ang Baguio Blue at Baguio Gray, gradeschool boys; Olympia at D’Club, gradeschool girls; D’Club at Olympia, junior women; UST at Ateneo Eagle, junior men.
- Latest
- Trending