US team asam ang 2nd win vs Tunisia
LONDON--Mula sa malaki nilang pondo, magagawa ng U.S. Olympic men’s basketball team na makagawa ng scouting reports, game films, statistical breakdowns at iba pang kakailanganin ng coach o player para paghandaan ang kanilang susunod na laro.
Haharapin ng Americans sa kanilang ikalawang preliminary-round game ang Tunisia.
Nagmula ang US sa isang 27-point win laban sa France kamakalawa bago labanan ang Tunisia ngayon.
Tinalo ng U.S. ang Tunisia, 92-57, sa 2010 world championships sa Istanbul kung saan sila nagtala ng isang six-point lead sa halftime.
Sa kanilang ensayo, nalaman ng Americans na ang Tunisian team ay may pitong players na may taas na 6-foot-8.
At bukod dito ay wala na silang alalahanin.
Ngunit hindi nagrerelaks si U.S. coach Mike Krzyzewski .
“It’s about our performance,” sabi niya. “We should beat Tunisia, but we want to play well against Tunisia. When you play games in your pool and you’re a significant favorite, you don’t want to just win, you want to maintain and build good habits.”
- Latest
- Trending