^

PSN Palaro

Si Alkhaldi naman ang susubok ngayon

- The Philippine Star

LONDON--Halos inamin na rin ni Jasmine Alkhaldi na malabo ang kanyang tsansang makalusot sa lalanguyan niyang isa sa pitong heats sa women’s 100-meter freestyle ngayong umaga sa 30th Olympic Games.

“It’s soooooo tough,’’ ani Alkhaldi na tinawanan nina swimmer Jessie Lacuna, coach Pinky Brosas, Team PH chief of mission Manny Lopez at administrative officer Arsenic Lacson.

Makakasabayan ni Alkhaldi sa third heat sina Mylene Ong ng Singapore, Nastja Govejsek ng Slovenia, Ester Dara ng Hungary, Liliana Lopez ng Mexico, Karen Torres ng Bolivia at Cielia Tini ng Mauritius.

“I just told her to go for her personal best and have fun,’’ sabi naman ni Brosas sa 19-anyos na Pinay swimmer. ‘’The depth of the field is just overwhelming.’’

Ang kanyang personal best sa event ay 56.92 segundo na mas malayo kesa sa 53.12 na ipinoste ni Britta Steffen ng Germany para sa gold medal sa 2008 Beijing Games sa China.

Magbabalik si Steffen sa paglangoy sa sixth heat kung saan apat pang swimmers ang may qualifying time na 53.05 segundo o mas maganda pa ang kalahok.

Bukod kay Steffen, mapapanood rin si Ranomi Kromowidjojo ng Netherlands na may personal best na 52.75 segundo na kanyang itinala noong Abril.

vuukle comment

ALKHALDI

ARSENIC LACSON

BEIJING GAMES

BRITTA STEFFEN

CIELIA TINI

ESTER DARA

JASMINE ALKHALDI

JESSIE LACUNA

KAREN TORRES

LILIANA LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with