^

PSN Palaro

US sinampolan ang France

- The Philippine Star

LONDON--Sa first half ay tila nagkaroon ng prob­lema ang US Olympic men’s basketball team sa pamamahala ng mga re­ferees kumpara sa France.

“There were calls being called that didn’t seem right,” sabi ni forward Carmelo Anthony. “One time down the floor they called it this way, and one time they called it that way.”

Ngunit nalampasan ito ng mga Americans para talunin ang France, 98-71, sa kanilang tournament opener.

Umiskor si Kevin Durant ng 22 points sa kanyang Olympic debut, habang nagdagdag naman ng 14 si Kevin Love at 10 si Kobe Bryant at humakot si LeBron James ng 9 points, five rebounds at 8 assists.

Isang puntos lamang, 22-21, ang abante ng US matapos ang first quarter ngunit tinambakan naman ang France team, nagtam­pok kay Tony Parker at lima pang NBA players, sa 76-50 sa sumunod na tatlong yuto.

“We got stops and made shots,” ani Durant. “Simple enough.”

Nadismaya ang mga Americans sa first half nang matawagan ng 18 fouls bago iwanan ang France ng 16 points sa halftime.

Tumipa si Ali Traore ng 12 points kasunod ang 10 ni Parker para sa France.

Nagposte naman si Luis Scola ng 32 points upang igiya ang Argentina sa 102-79 panalo kontra sa Lithuania.

Nagdagdag si Carlos Delfino ng 20 points para sa Argentines.

vuukle comment

ALI TRAORE

CARLOS DELFINO

CARMELO ANTHONY

ISANG

KEVIN DURANT

KEVIN LOVE

KOBE BRYANT

LUIS SCOLA

NADISMAYA

TONY PARKER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with