^

PSN Palaro

Agravante nag-enjoy sa ulan

- Russel Cadayonan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sadyang kakaiba si Ja­son Agravante.

Kung karamihan sa mga runners ay hindi ma­katakbo ng maayos kapag umuulan, mas kompor­table naman ang 23-anyos na tubong Silay, Negros Occidental na dumaan sa mga basa at madudulas na kalsada.

“Hindi naman naka­apek­to sa akin ‘yung ulan. Mas maganda ngang tumakbo kapag umuulan eh, kasi presko at hindi mo mararamdaman ‘yung pagod,” sabi ni Agravante matapos pagharian ang 42.196-kilometer Metro Manila leg ng 36th Milo National Marathon kahapon sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Nagsumite ang 5-foot-5 na si Agravante ng tiyempong dalawang oras, 39 minuto at 57 segundo para talunin sina Elmer Sabal (2:45:16) at Gerald Sabal (2:46:10) sa naturang 42K event na sinalihan ng 2,040 runners bukod pa sa 3,264 sa 21K, 3,126 sa 10K, 27,110 sa 5K at 2,889 sa 3K para sa kabuuang 38,429 entries.

Sa kanyang panalo, nakamit ni Agravante, kasalu­kuyang walang trabaho, ang premyong P50,000 na pinakamalaki na niyang natanggap bilang isang runner.

“Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa prem­yo ko kasi hindi ko ex­­pected na ako ang mananalo dito sa Metro Manila eliminations,” sabi ng binatang si Agravante, pumang lima sa 2011 Milo National Finals sa kanyang oras na 2:34:03. “Siguro ilalagay ko muna sa bangko saka ko pag-iisipan kung ano ang gagawin ko sa pera.”

Mula sa pagputok ng starting gun ay hindi bini­tawan ni Agravante ang unahan hanggang tulu­yang makalayo sa huling 15 kilometro ng karera pa­tungo sa kanyang tagumpay.

“May nakasabayan din akong tatlong Kenyans, pero naiwanan ko rin,” ani Agravante sa tatlong Ken­yans na nagsilbing ‘guest runners’ dahil tanging sa Milo National Finals lamang sila maaaring tumakbo bi­lang official entry. “Proud pa rin ako na tinalo ko sila kahit ganoon.”

Sa 2011 Milo National Finals, ang mga Kenyans na sina James Tallam (2:­28:02), Willy Rotch (2:­28:29), Abraham Missos (2:29:27) at David Kipsang (2:31:05) ang umangkin sa No. 1 hanggang No. 4 spots, ayon sa pagkakasu­nod.

Sa women’s division, muli namang dinomina ni two-time Milo National Finals queen Jho-An Bana­yag ang labanan matapos maglista ng oras na 3:02:20 para ungusan sina Jennylyn Nobleza (3:27:44) at Luisa Raterta (3:23:55) upang sikwatin din ang premyong P50,000.

Ang nasabing tiyempo ng 29-anyos na si Bana­yag, ang 2005 at 2006 Milo National winner, ay malayo sa dati niyang 2:53:37 sa 2011 Metro Manila eliminations.    

“Mas pagagandahin ko pa ‘yan pagdating ng National Finals,” pangako ni Banayag, ang gold me­dalist sa 2009 Southeast Asian Games sa Laos, sa kanyang paghahanda para sa 2012 Milo Natio­nal Finals na nakatakda sa Disyembre 9 sa MOA grounds kung saan ang magkakampeon sa men’s at women’s category ay tatanggap ng tig-P300,000.

Si Mary Grace Delos San­tos ang nagreyna sa 2011 Milo National Finals sa kanyang bilis na 2:53:07 kasunod sina Banayag (2:55:08) at Mary Joy Tabal (3:01:41).

Sa men’s 21K, na­ngu­na si Rafael Poliquit, Jr. ng Far Eastern University (1:14:32) kasunod sina Gregg Vincent Osorio (1:14:47) at Immuel Camino (1:18:09), habang namuno naman sa women’s class si Nhea Ann Barcena (1:33:38) sa itaas nina Janeth Lumidaw (1:34:23) at Judy Joy Pasaporte (1:49:33).

Bumandera naman sa men’s 10K si Kenyan Benjamin Kipkazi (0:32:00) para talunin sina Tuwei Samson (0:32:01) at Richard Salano (0:32:17) at binigo ni Mercedita Fetalvero (0:40:47) sina Mars De Vera (0:44:11) at Noelle Frances De Guzman (0:49:41) sa women’s ca­tegory. 

ABRAHAM MISSOS

AGRAVANTE

BANAYAG

METRO MANILA

MILO

MILO NATIONAL FINALS

NATIONAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with