Painters kumakaway sa korona
MANILA, Philippines - Maski ang isang 17-point lead ng Llamados sa first period ay hindi pinansin ng Elasto Painters para makalapit sa inaasam nilang kauna-unahang kampeonato sapul nang umakyat sa Philippine Basketball Association (PBA) noong 2006.
Bumangon ang Rain or Shine sa naturang pagkakabaon para talunin ang B-Meg, 94-89, sa Game Four upang angkinin ang 3-1 bentahe sa 2012 PBA Governors Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagtuwang sina Best Import Jamelle Cornley, TY Tang, Gabe Norwood, Ronjay Buenafe at JR Quiñahan para ibigay sa Elasto Painters ang malaking 3-1 abante at makalapit sa pagtiklop sa kanilang best-of-seven championship series ng Llamados.
Nauna rito, ipinoste ng B-Meg ang isang 17-point advantage, 29-12, sa 2:18 ng first quarter mula sa 10-0 panimula kung saan umiskor si two-time PBA Most Valuable Player James Yap ng 11 points, hanggang maagaw ng Rain or Shine ang unahan, 40-39, sa 2:52 ng second period.
Matapos makalapit ang Llamados sa pagsasara ng third quarter, 72-74, nagtuwang naman sina Cornley, Buenafe at Tang para ilayo ang Painters, nagmula sa 93-84 panalo sa Game Three noong Biyernes, sa 92-87 sa huling 38.3 segundo sa final canto.
Samantala, hinirang na 2012 PBA MVP si Mark Caguioa ng Barangay Ginebra matapos talunin sina Yap, Gary David ng Powerade at Arwind Santos ng Petron Blaze, habang si Lee ang tinanghal na 2012 Rookie of the Year.
Nakasama ni Caguioa, ang 2001 PBA MVP ROY awardee, sa Mythical First Team sina Yap, David, Santos at Ranidel De Ocampo, samantalang nasa Mythical Second Team naman sina Lee, Jeff Chan, Sonny Thoss ng Alaska, Jayson Castro at Kelly Williams ng Talk ‘N Text.
Si JVee Casio ang ginawaran naman ng Sportsmanship Award at si Chan ang tinanghal na Most Improved Player.
Ang Defensive Team ay binubuo nina Pingris, Santos, Ryan Reyes ng Talk ‘N Text, Jireh Ibanes ng Rain or Shine at Doug Kramer ng Barako Bull.
Rain or Shine 94 - Jamelle 23, Norwood 18, Buenafe 13, Tang 11, Quiñahan 9, Chan 7, Belga 4, Araña 3, Cruz 2, Matias 2, Ibañes 2.
B-Meg 89 - Yap 25, Blakely 22, Simon 14, Urbiztondo 10, Villanueva 5, Pingris 5, Reavis 4, de Ocampo 4, Barroca 0.
Quarterscores: 17-30; 47-45; 74-72; 94-89.
- Latest
- Trending