^

PSN Palaro

Rosario puputok na

- The Philippine Star

LONDON--Sa kanyang inaasahang pinakalamaking laban, sasabak si shooter Paul Brian Rosario sa men’s skeet qualification round ngayon at kumpiyansang makakalusot sa mga bigatin niyang mga karibal at magkaroon ng hindi malilimutang una niyang Olympic Games.

Gagamitin ng 31-anyos na si Rosario ang luma ngunit maaasahan niyang Italian-made Perazzi shotgun na kanyang binili sa halagang $3,000 para labanan ang 35 pang shoo­ters sa nakatayang anim na final round berths sa pamosong Royal Artillery Baracks.

“I think I have a chance. I worked hard to get here,’’ sabi ni Rosario, isang negosyante mula sa Malabon na nahilig sa shooting sa edad na 6-anyos. “I have good records in three World Cups. I’m hoping I will hit my targets well again.’’

Sa isa sa mga interna­tional competitions na kanyang sinalihan, tumipa si Rosario ng 120 na isang puntos lamang ang agwat sa winning total na 121 ni Vincent Hancock ng United States para sa gold medal sa 2008 Beijing Games.

 Ang mga shooters ay hahatiin sa anim na grupo at makakasabayan ni Rosario sina Anders Golding ng Denmark, Stefan Nilsson ng Sweden, Ennio Falco ng Italy , Frank Falco ng Italy, Frank Thomson ng US at Anthony Terras ng France sa second bracket.                              

Bagamat nakapasok siya sa London Games bilang isang Olympic scholar athlete, nakuha naman ni Rosario ang minimum qualifying score sa anim na torneo, kasama ang tatlong World Cups sa huling dalawang taon.

Sa isang world shotgun meet sa Serbia noong 2011, nagposte si Rosario ng 120 sa 125 points para tumapos sa top 10 mula sa hanay ng 100 kalaban.

ANDERS GOLDING

ANTHONY TERRAS

BEIJING GAMES

ENNIO FALCO

FRANK FALCO

FRANK THOMSON

LONDON GAMES

OLYMPIC GAMES

PAUL BRIAN ROSARIO

WORLD CUPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with