^

PSN Palaro

Javier, Cabral sumablay sa ranking round

- The Philippine Star

LONDON--Kagaya ng dapat asahan, uuwing luhaan ang dalawang Team Philippines archers mula sa paglahok sa 30th Olympic Games.

Matamlay na kampanya ang ipinakita nina Mark Javier at Rachelle Cabral sa ranking round noong Biyernes na nagtapat sa kanila sa mga bigating karibal sa head-to-head, round-of-32 na nakatakda sa Lunes sa Lord’s Cricket ground.

Tumapos ang 31-anyos na si Javier na pang-55th sa starting field na 64 at nakuha si Brady Ellison ng United States, tumudla ng 649 points sa 70-meter, 72-arrow competitions, bilang kalaban.

 Pumana naman si Cabral ng 627 points upang tumapos bilang ika-48 sa 64-woman cast. Makakatapat niya si Russian Ksenia Perova na pang-siyam sa kanyang 659 points.

 “Bad game,’’ sabi ni Korean coach Chung Jaeyun.

‘’Masama ang nilaro niya (Javier),’’ ani POC president Peping Cojuangco, pinanood ang morning session kasama sina Philippine Sports Commission Chairman Richie Garcia at POC treasurer Steve Hontiveros.

Pitong bulleyes lamang ang natudla ni Javier at nagtala ng 326 points sa first half at 323 sa second half.

Nagposte naman si Im Dong-Hyun ng 699 points mula sa 72 arrows para basagin ang sarili niyang record na 696 na ginawa niya noong Mayo sa Turkey.

BRADY ELLISON

CHUNG JAEYUN

IM DONG-HYUN

JAVIER

MARK JAVIER

OLYMPIC GAMES

PEPING COJUANGCO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION CHAIRMAN RICHIE GARCIA

RACHELLE CABRAL

RUSSIAN KSENIA PEROVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with