Manila, Philippines - Gagawin sa Makati Coliseum ang 35th SMART national championships simula bukas na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association PTA at lalahukan ng 2,000 jins.
Ang mga koponang kasali ay mula sa 12 rehiyon, kasama ang ARMM, CAR, CARAGA at NCR bukod pa sa iba’t-ibang sangay ng AFP at Philippine National Police.
Mangunguna sa sasali ay si R-Jay del Rosario ng DLSU Delta na nanalo ng gintong medalya sa senior division noong nakaraang taon.
Ayon kay Sung Chon Hong, ang chairman ng organizing Committee, papayagan din ang paglahok ng mga national team members na maglalaro sa kanilang mga chapters.
Bukod sa La Salle, kasali rin ang Ateneo, CSB, UST, UE, FEU, LSGH, Lyceum, San Beda College, Don Bosco Makati, UP Diliman, Baguio, Central Gymnasium, Negros Taekwondo Union, Cebu, DPS, Olympic, DLSZ, San Beda Alabang, Powerflex, Don Bosco Mandaluyong, Las Piñas Gym, Philippine Navy, Philippine Air Force at Philippine Army.
Ang makabagong electronic scoring system na ginagamit ng World Taekwondo Federation sa mga world championships ang siyang gagamitin sa torneong suportado ng SMART Communication Inc., PLDT, Milo, Philippine Sports Commission at MVP Sports Foundation.