^

PSN Palaro

2,000 jins magsisipaan sa SMART national championship

- The Philippine Star

 Manila, Philippines - Gagawin sa Makati Coliseum ang 35th SMART na­tional championships simula bukas na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association PTA at lalahukan ng 2,000 jins.

Ang mga koponang kasali ay mula sa 12 rehiyon, kasama ang ARMM, CAR, CARAGA at NCR bukod pa sa iba’t-ibang sangay ng AFP at Philippine National Police.

Mangunguna sa sasali ay si R-Jay del Rosario ng DLSU Delta na nanalo ng gintong medalya sa senior division noong nakaraang taon.

Ayon kay Sung Chon Hong, ang chairman ng orga­ni­zing Committee, papayagan din ang paglahok ng mga national team members na maglalaro sa kanilang mga chapters.

Bukod sa La Salle, kasali rin ang Ateneo, CSB, UST, UE, FEU, LSGH, Lyceum, San Beda College, Don Bosco Makati, UP Diliman, Baguio, Central Gymnasium, Negros Taekwondo Union, Cebu, DPS, Olympic, DLSZ, San Beda Alabang, Powerflex, Don Bosco Mandalu­yong, Las Piñas Gym, Philippine Navy, Philippine Air Force at Philippine Army.

Ang makabagong electronic scoring system na ginagamit ng World Taekwondo Federation sa mga world championships ang siyang gagamitin sa torneong suportado ng SMART Communication Inc., PLDT, Milo, Philippine Sports Commission at MVP Sports Foundation.  

CENTRAL GYMNASIUM

COMMUNICATION INC

DON BOSCO MAKATI

DON BOSCO MANDALU

LA SALLE

LAS PI

MAKATI COLISEUM

NEGROS TAEKWONDO UNION

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with