^

PSN Palaro

Magkapatid na Younghusband sisibakin ni Weiss kung...

- ATan - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Hindi mangingimi si Az­kals coach Hans Michael Weiss na alisin sa koponan ang magkapatid na sina Phil at James Young­hus­band kung hindi nila maibibigay ang buong oras sa gagawing paghahanda ng koponan para sa 2012 Suzuki Cup.

Sa panayam kay Weiss na dumalo sa Memorandum of Agreement signing sa pagitan ng Philippine Football Federation (PFF) at Department of Education (DepEd) para sa pagtutulungan ng dalawa sa isinasagawang nationwide Kasibulan Program para sa mga batang lalaki at babae na edad 6 hanggang 12, sinabi nitong nakausap na niya ang magkapatid at malinaw niyang naipaha­yag ang kanyang mensahe.

Naintindihan umano nina Phil at James ang ba­gay na ito at nangakong aayusin ang mga gawing hindi sakop ng PFF at Azkals hanggang sa susunod na buwan.

“I am in very good contact with them and we have very good relations. I don’t want to cut them off and I understand their personal situation. But we need them not in their 70 percent fitness or commitment but 100 percent because this tournament will be very tough,” wika ni Weiss.

Ang magkapatid na kilala sa kanilang husay sa paglalaro ay abala sa mga endorsements at iba pa na nakadagdag sa kanilang mga pangangailangan.

Hindi naman ito ang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa magkapatid dahil sa ganitong bagay ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan ng kumilos ni Weiss upang magkaroon ng disiplina sa koponan.

Sa Agosto sisimulan ang pagsasanay ng Azkals sa pamamagitan ng US training na magtatagal ng halos 15 araw at plano ni Weiss na magdala ng 20 manlalaro at hindi pa ka­sama rito ang magkapatid na Younghusband. 

AZKALS

DEPARTMENT OF EDUCATION

HANS MICHAEL WEISS

JAMES YOUNG

KASIBULAN PROGRAM

MEMORANDUM OF AGREEMENT

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

SA AGOSTO

SUZUKI CUP

WEISS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with