^

PSN Palaro

Falcons sinuwag ng Tamaraws

- ATan - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Sinuwerte ang FEU na hindi napituhan ang tila foul kay Terrence Romeo ilang segundo bago natapos ang laro upang maiuwi ang 65-62 panalo sa Adamson sa 75th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sinugod ni Romeo si Roi­der Cabrera na pumukol ng tangkang panablang tres na kinapos dahil tila nabangga siya ng FEU guard.

Kumamada si Romeo para sa tropa ni coach Bert Flores ng 23 puntos, 8 rebounds, 6 assists at 2 steals pero nakatulong din ang suportang ibinigay nina RR Garcia at Chris Tolomia upang manatiling nasa lide­rato ang Tamaraws sa 3-0 baraha.

Sina Tolomia at Garcia ay kapwa may ipinukol na tres at katuwang si Romeo ay inangkin ang 13 sa 15 puntos na ginawa ng FEU sa huling yugto.

May 13 puntos si Allen Etrone para sa Falcons ngunit inilabas siya sa hu­ling 2:18 at hindi na nakabalik nang matapilok ang kaliwang sakong matapos pasabitin ni Romeo.

Ininda rin ng tropa ni coach Leo Austria ang mahinang dalawang puntos lamang ni Alex Nuyles para matalo sa ikatlong sunod na pagkakataon sa FEU at 0-2 sa season.

Bumangon naman ang National University mula sa 65-89 pagkatalo sa four-time defending champion Ateneo nang durugin ang UP, 67-50, sa unang laro.

Muling nakitaan ng husay ang nagdedepensang MVP ng liga na si Bobby Parks Jr. sa kanyang 18 puntos, 6 assists, 4 rebounds at 3 steals habang ang starting center na si 6’7 Emmanuel Mbe ay naghatid ng 17 puntos at 16 rebounds. 

  

ALEX NUYLES

ALLEN ETRONE

BERT FLORES

BOBBY PARKS JR.

CHRIS TOLOMIA

EMMANUEL MBE

GARCIA

LEO AUSTRIA

NATIONAL UNIVERSITY

SINA TOLOMIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with