^

PSN Palaro

Yulo, Timbang ipapadala sa China para magsanay

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang batang lala­­king gymnasts ang mabibigyan ng pagkakataon para makapagsanay sa China sa loob ng isang taon.

Sina 12-anyos Carlos Edriel Yulo at 14-anyos Jan Gwynn Timbang na parehong multi-gold me­dalists sa huling Palarong Pambansa sa Panga­sinan ay tutungo sa China matapos pumasok ang Philippine Good Works Mission Foundation Inc. (PGMFI) para pondohan ang pagsasanay.

Ang PGMFI ay tumulong at maglalabas ng P1.2 milyong pondo para gamitin sa pagsasanay ma­tapos makiusap ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP) at inendorso rin ni PSC chairman Ricardo Garcia at POC president Jose Cojuangco Jr.

“Pinag-aralan namin ang buhay ng mga batang ito at talagang mahihirap din sila. Paano din namin tatanggihan ang paghingi ng tulong ng GAP kung inindorso ito ni Mr. Garcia at Mr. Cojuangco,” wika ni PGMFI president Ma. Lourdes Varona.

Naunang sinipat ng PSC ang Russia para sa pag­sasanay pero mas mina­buting makipag-ugnayan na lamang sa China dahil mas malapit ito at madaling mamo-monitor ang pagsasanay ng mga bata.

Aakto bilang guardian si national coach at 1991 SEA Games gold medalist Ricardo Otero at sisikapin din niyang pagmasdan ang pagtuturo na ibibigay ng mga Chinese coaches para siya niyang gawin kapag nakabalik ng bansa.

Makikilatis ang mga matututunan nina Yulo at Timbang sa paglahok ng mga ito sa 2014 Youth Olympic Games sa Nanjing, China.

CARLOS EDRIEL YULO

GYMNASTICS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

JAN GWYNN TIMBANG

JOSE COJUANGCO JR.

LOURDES VARONA

MR. COJUANGCO

MR. GARCIA

PALARONG PAMBANSA

PHILIPPINE GOOD WORKS MISSION FOUNDATION INC

RICARDO GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with