^

PSN Palaro

Sikat na wrestler ng WWE na si Rey Mysterio bibisita sa Pinas

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bibisita sa Pilipinas ang isa sa pinakasikat na wrestlers ng World Wrestling Entertainment (WWE) na si Rey Mysterio sa Biyernes at Sabado para imbitahan ang mga Pilipino na tangkilikin ang wrestling sa bansa.

Dadalaw ang Mexica­nong wrestler sa iba’t ibang mga programa at istasyon ng ABS-CBN. Kabilang dito ang “Umagang Kay Ganda” at “It’s Showtime” ng ABS-CBN, “Game Day” sa Balls (SkyCable ch 34), at sa ilang mga programa sa Studio 23 at MYX.

Nakilala si Mysterio sa kanyang mga kampeo­nato mula sa ilang mala­laking laban sa WWE ka­­tulad ng cruiserweight championship at magkahiwalay na tunggalian ng WWE at WCW Tag Team Champion­ships.

Nagkampeon rin siya sa Royal Rumble laban sa 30 wrestling superstar sa kabila ng pagiging isang 5-foot-6.

Sumikat din siya sa kanyang mga finishing move na 619 at West Coast Pop.

Makakasalamuha ni Mysterio ang kanyang mga fans sa Sabado mula alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi sa Trinoma Activity Center.

Dalawang-daan na masusuwerteng Kabarkada rin ang mabibigyan ng VIP seats at mabibigyan ng pagkakataong makakuha ng autograph at makapagpa-picture kay Rey Mysterio.

Kinakailangan lamang nila mag-register sa www.Studio23.tv.

Isa sa mga isinusulong ng WWE ay ang “Anti Bullying Campaign” kaya na­man magbibigay si Mysterio ng gabay at inspiras­yon ang mga kabataang biktima ng karaha­san mula sa Bantay Bata 163 sa pa­mamagitan ng isang pananghalian.

Mapapanood ang kabuuan ng pagbisita ni Rey Mysterio sa Pilipinas sa “Mysterio sa Pinas” na ipa­­palabas sa August 5, 2012, 8:30pm-9:00pm sa Studio 23.              

vuukle comment

ANTI BULLYING CAMPAIGN

BANTAY BATA

GAME DAY

MYSTERIO

PILIPINAS

REY MYSTERIO

ROYAL RUMBLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with