^

PSN Palaro

Javier, Cabral gagawin ang lahat para manalo

- The Philippine Star

LONDON--Sa pagitan nila, nagpakawala na sina archers Mark Javier at Rachel Ann Cabral ng halos 1,900 arrows simula nang dumating dito sa huling bahagi ng ka­nilang pagsasanay para sa 30th Olympic Games.

Malalaman sa bilang ng mga arrows kung gaano ka­bigat ang determinasyon nina Javier at Cabral para sa paglahok sa 2012 London Olympics.

Bagamat nagsanay sa ilalim ni South Korean coach, ayaw magbigay ng prediksyon nina Javier at Cabra.

“It’s hard to predict. Let’s just wait for the competitions to begin,” wika ni Javier bago samahan ang kanyang mga teammates sa bus patungo sa Philippine embassy para sa isang hapunan kasama ang ambassador.

Kagaya ni Javier, hindi rin sinabi ni Cabral kung ano ang mangyayari sa kanyang kampanya, ngunit nangako na ibibigay ang lahat ng kanyang makakaya sa una niyang pagtudla.

“I’ll do my best. That’s for sure,” wika ni Cabral.

Wala ring sinabing prediksyon si Korean coach Chung Jae-hun at sa halip ay pawang ngiti lamang ang kanyang mga isinasagot.

Kaagad na sasabak sina Javier at Cabral sa ranking round sa pagbubukas ng 2012 London Olympics sa Hulyo 27.

BAGAMAT

CABRA

CABRAL

CHUNG JAE

JAVIER

LONDON OLYMPICS

MARK JAVIER

OLYMPIC GAMES

RACHEL ANN CABRAL

SOUTH KOREAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with