^

PSN Palaro

Rosario umaasang magiging maganda ang putok sa Olympics

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi hadlang ang pagi­ging isang wildcard ni Brian Rosario para mabigo siya sa hangaring tagumpay sa London Olympics.

Si Rosario ang nata­tanging shooter ng Pilipinas na nasa kompetisyon at kakampanya siya sa skeet event.

Nabigyan siya ng pag­ka­­kataon na makapagsa­nay ng libre sa pasilidad ng London sa loob ng tat­long linggo at ito ang siyang pinanghahawakan ng mga taong nananalig sa kanyang kakayahan.

“He’s very determined shooter and he wants to prove something,” wika ng pangulo ng Philippine National Shooting Association (PNSA) na si Mikee Romero patungkol kay Rosario na kasama ang coach na si Gay Corral.

“He’s doing very well in practice, shooting 24 to 25 now. Acclimatized na rin siya sa weather dahil three weeks na siya nandoon, and I just hope he reaches his peak next week,” dagdag pa ni Romero.

Maging ang ama ni Ro­sario na si Paul ay kum­binsidong magbibigay ng magandang laban ang kanyang anak.

“He’s been shooting since 12 years old, so this is his ultimate dream. Wala naman siyang ipinangako kundi gagawin niya raw ang lahat para gumanda ang performance niya,” wika ng nakatatandang Ro­sario.

Ang aksyon sa skeet ay magsisimula sa Hulyo 30 at 37 ang magtatagisan rito at ang mangungunang anim na shooters matapos ang qualifying round ang siyang aabante sa finals kinabukasan.

Si Romero ay tutulak bukas patungong London para personal na suporta­han at saksihan ang laban ng kanyang pambato.

BRIAN ROSARIO

GAY CORRAL

HULYO

LONDON OLYMPICS

MIKEE ROMERO

NABIGYAN

PHILIPPINE NATIONAL SHOOTING ASSOCIATION

SHY

SI ROMERO

SI ROSARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with