^

PSN Palaro

Sermona balik Milo Marathon Finals

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Magbabalik ang 2006 cham­pion Julius Sermona sa 36th National Milo Marathon Finals matapos dominahin ang Angeles City Regional qualifying kahapon sa Angeles City.

Hindi ininda ng 34-an­yos na national trackster din na si Sermona ang pag­buhos ng ulan na nag­pahirap sa ruta nang isan­tabi niya ang hamon ng beteranong sina Alley Quisay at Ryan Mendoza tungo sa pangunguna sa kalalakihan.

Naorasan si Sermona ng 1:13:02 sa 21-kilo­metrong karera at naagwatan niya ng isang minuto at siyam na segundo si Quisay (1:14:11) habang si Mendoza na dating pambato ng bansa sa larangan ng duathlon ay nagtala ng 1:17:32 tiyempo.

Ang di kilalang si Mer­de­liza Dizu ang siyang ku­minang sa kababaihan nang hiyain niya ang 2002 champion na si Geraldine Sealza.

Dikitan ang labanan ng dalawa pero bumira si Dizu sa huling 200 metro para solong tawirin ang finish line tungo sa 1:36:02 tiyempo. Si Sealza ay may 1:37:21 habang si Mary chiel Minas-Morales ang pumangatlo sa 1:41:04.

Halagang P10,000 ang napanalunan nina Ser­­mona at Dizu.

vuukle comment

ALLEY QUISAY

ANGELES CITY

ANGELES CITY REGIONAL

DIZU

GERALDINE SEALZA

JULIUS SERMONA

NATIONAL MILO MARATHON FINALS

RYAN MENDOZA

SERMONA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with