Barte, Maranab; Gentoleo wagi sa Manila Bay Clean-Up Run

Manila, Philippines -  Sina Jaime Barte, Ryan Maranab at Joseph Gentoleo ang nanguna sa men’s division ng 15K race sa nakaraang Manila Bay Clean-Up Run habang sina Jennilyn Sudilla, Mherliz Lumagbas at Camille Sebastian ang nagwagi sa women’s division.

Sa 10K race, nanalo sina Aldrin Seno, Dexter Laranjo at Roma Manuel kasama ang mga babaeng sina Charlene Aquino, Jila dela Rosa at Jennilyn Ong.

Sa 5K, nanguna sina Joma Boncales, Antonio Carlito, Paul Jeric Gorospe, Vilma Sta. Ana, Maria Guia Tizon at Milagros Lara Ange­les.

Sa 3K run, wagi rin sina Michael Bacong, Bellard Francis Marqueses, Vincent Fernandez, Lovely Gemerio, Mary Grace dela Torre at Charmaine Aquino.

Ang Manila Bay Clean-Up Run ay proyekto ng Manila Broadcasting Company sa pakikipagtulungan ng Lungsod ng Maynila at Pasay katulong ang Smart, Communications, Green Cross Rubbing Alcohol, Enervon Multi-Vitamins, M. Lhuillier, Orlistat Xenical, Paramount Insurance at Casa Bocobo.

Show comments