UAAP/NCAA games kanselado dahil sa Bagyong 'Ferdie'

Manila, Philippines -  Dahil sa walang hum­pay na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong ‘Ferdie’ kaya’t minabuti ng pamunuan ng NCAA at UAAP na ipagpaliban ang mga larong nakatakda kahapon.

Sa The Arena sa San Juan City dapat nagdaos ng laro ang NCAA na ka­tatampukan sana ng pagkikita ng Mapua-Arellano at San Beda-Letran sa juniors at seniors games.

Sa MOA Arena sa Pasay City naman ang laro ng UAAP at itinuloy nila ang mga laro sa juniors pero ipinagpaliban ang seniors games sa pagitan ng UE at Adamson at UST at UP.

“Due to inclement wea­ther, the UAAP Board Members have decided that the senior’s basketball scheduled for today, July 12, will be postponed to a later date with the best inte­rest and safety of the players and patrons in mind,” wika ni UAAP president Nilo Ocampo.

Pag-uusapan pa ng NCAA at UAAP kung kailan ilalaro ang mga ito at ang mga tiket na nabili para sa araw na ito ay magagamit sa petsang sasang-ayunan ng pamunuan ng liga.

Show comments