^

PSN Palaro

Philippine flag itataas sa seremonya sa London

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Pormal na kikilalanin ang pagtapak ng Pambansang koponan sa London para lumahok sa Olympic Games sa isasagawang flag raising ceremony sa Sabado ng umaga sa Ga­mes Village.

Sa ganap na alas-11:30 ng umaga sisimulan ang se­remonya na dadaluhan nina Chef of Mission Manny Lopez, Ambassador Enrique Manalo at ang siyam na manlalaro ng Pilipinas na dumating na sa London.

“This flag raising is our first official act as member of the London Olympic family,” wika ni Lopez.

Ang mga atletang nasa London na ay sina long jum­per Marestella Torres, 5000m runner Rene Herrera, shooting Brian Rosario, swimmers Jessie Khing Lacuna at Jasmine Alkhaldi, archers Mark Javier at Rachel Cabral, weightlifter Hidilyn Diaz at judoka Fil-Japanese Tomohiko Hoshina.

Maliban kina Javier, Cabral at Hosina, ang ibang manlalaro ay nasa London na tatlong linggo na ang na­karaan para lumahok sa libreng training camp na handog ng organizers ng palaro.

Sina boxer Mark Antho­ny Barriga at BMX rider Fil-Am Danny Caluag na ku­kumpleto sa 11 pambato ng Pilipinas ay patuloy pang nagsasanay sa Cardiff, Wales at Netherlands at papasok sila sa Village sa Hulyo 24.

Ang mga coaches na sina Josefina Corral (shooting), Tony Agustin (weightlif­ting), Joseph Sy (athletics), Yasuhiro Satoo (judo) at Carlos Brosas (swimming) bukod pa sa administrative officer Arsenic Lacson at press officer Joe S. Antonio ay sasama rin sa pagta­tang­hal.

Inaasahang aabot sa 25 minuto ang kaganapan na tatampukan din ng isang cultural performance na handog ng 75 batang Britons.

Tampok din ang pagpir­ma ng isang atleta ng bawat bansang nasa Village sa Olympic Truce Wall.

Itinalaga ng Pilipinas ang beterano at multi-gold medalist sa long jump na si Torres para siyang kakata­wan sa delegasyon.

Sa Hulyo 27 gagawin ang opening ceremony at si Diaz ang siyang itinalagang flag bearer. 

AMBASSADOR ENRIQUE MANALO

ARSENIC LACSON

BRIAN ROSARIO

CARLOS BROSAS

CHEF OF MISSION MANNY LOPEZ

FIL-AM DANNY CALUAG

FIL-JAPANESE TOMOHIKO HOSHINA

HIDILYN DIAZ

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with