MANILA, Philippines - Lalaban man ay mahihirapan ang 11 Pambansang atleta na lalaro sa London Olympics na manalo ng kahit anong medalya.
Ang Olympics ay gagawin mula Hulyo 27 hanggang Agosto 12 at para kay POC chairman Monico Puentevella, mas mabuti na ituon ang isipan sa kawalan ng medalyang mapapanalunan sa edisyong ito.
“Don’t expect any medal,” wika ni Puentevella. “Like in our past participation, I’m sorry to say that among the 11 athletes we are sending to London, only a few who we can say have slim chances for one medal.”
Ang mga panlaban ay sina archers Mark Javier at Rachel Ann Cabral-dela Cruz, swimmers Jessie Khing Lacuna at Jasmin Alkhaldi, long jumper Marestella Torres at 5,000m runner Rene Herrera, boxer Mark Anthony Barriga, weightlifter Hidilyn Diaz, shooter Brian Rosario, judoka Fil-Japanese Tomohiko Hoshina at BMX rider Fil-Am Daniel Caluag.
Siyam na medalya pa lamang ang na-panalunan ng Pilipinas sa 20 Olympics na sinalihan mula 1924.
Ngunit hindi pa nanalo ang bansa ng kahit na anong medalya mula 1996 sa Atlanta nang sungkitin ni Mansueto Velasco ang pilak sa light flyweight division sa boxing.
Ito ang ikalawang pilak ng bansa matapos unang kumuha si boxer Anthony Villanueva noong 1964 Tokyo Games.