^

PSN Palaro

Donaire sasabak na rin sa showbiz

- RCadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kagaya ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao, gagawa na rin ng pelikula si unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.

Halos dalawang linggong kukunan sa Laguna ang eksena ng tubong Talibon, Bohol na si Donaire, nakabase ngayon sa San Leandro, California, sa na­turang Visayan film na ipo-produce ng pamilya ni actor Matt Ranillo III.

Bago pumasok sa paggawa ng pelikula ay napanood na rin ang 29-anyos na si Donaire sa dating comedy programa ni Pacquiao na ‘Show Me The Manny’ sa GMA Channel 7 bilang pansamantalang kapalit ni ‘Pacman’.

Nauna nang sinabi ni Donaire, sumali sa isang dancing show ng GMA at mahusay bumitaw ng mga RNB songs at rap, sa isa sa kanyang mga naunang panayam na gusto niyang subukan ang showbiz. 

Nakatakdang duma­ting sa bansa sa Lunes.

Nanggaling si Donaire sa isang unanimous decision win kontra kay Jeffrey Mathebula noong Hulyo 7 sa Carson, California para mapanatiling suot ang kanyang World Boxing Organization (WBO) super bantamweight crown kasabay ng pag-agaw sa International Boxing Fe­deration (IBF) title ng South African.  

BOHOL

DONAIRE

FILIPINO FLASH

INTERNATIONAL BOXING FE

JEFFREY MATHEBULA

MATT RANILLO

SAN LEANDRO

SHOW ME THE MANNY

SOUTH AFRICAN

WORLD BOXING ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with