DALLAS--Inihayag ng Dallas Mavericks ang kanilang paghugot kay O.J. Mayo tatlong araw matapos iposte ng free agent shooting guard sa kanyang Twitter account na lilipat siya sa nasabing koponan.
Hindi pa ibinunyag ng Mavericks ang kontrata ng 6-foot-4, 210-pound na West Virginian.
Nagtala si Mayo ng average na 15.2 points sa 301 laro sa nakaraan niyang apat na seasons sa Memphis Grizzlies. Siya ang third overall pick noong 2008 draft ng Minnesota bago siya dinala sa Memphis sa isang seven-player trade.
Samantala, ipinakilala na si Jeremy Lin, pumirma ng isang $25 million deal sa Houston sa mga miyembro ng Rockets.
Hindi na tinapatan ng Knicks ang three-year, $25 million offer sheet ng Rockets para kay Lin.