^

PSN Palaro

Katatagan ng Lions masusukat sa pagbangga sa Knights

- AT - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos makita kung gaano kahusay sa ilalim si 6’9 Nigerian center Ola Adeogun, lalong tumaas ang kumpiyansa ni San Beda rookie coach Ronnie Magsanoc sa tsansang maibigay sa paaralan ang ikatlong sunod na NCAA title.

Si Adeogun ay naghatid ng 14 rebounds, 4 blocks at 9 puntos nang kunin ng Lions ang ikaapat na panalo sa limang laro gamit ang 81-65 tagumpay sa Emilio Aguinaldo College.

Tiyak na mapapalaban uli ang koponan dahil ang katagisan nila sa 88th NCAA men’s basketball ay ang host Letran na itinakda ganap na alas-6 ng gabi sa The Arena sa San Juan City.

Mula sa 66-60 panalo ang Knights laban sa Ma­pua upang wakasan ang tat­long dikit na kabiguan para magkaroon lamang ng 2-3 baraha ang host.

Huling nanalo ang Knights sa Lions ay noon pang Hulyo 25, 2007 sa 70-69 iskor.

Tapatan ng Mapua at Arellano ang magaganap sa unang labanan sa ganap na alas-4 ng hapon at mag-uunahan ang dawala sa pagsungkit ng ikatlong panalo sa anim na laro.  

ARELLANO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HULING

HULYO

LETRAN

OLA ADEOGUN

RONNIE MAGSANOC

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SI ADEOGUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with