^

PSN Palaro

Tigers may gustong patunayan vs Maroons

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patutunayan ng UST na isa silang contender sa taong ito sa pagharap sa UP sa pagpapatuloy ngayon ng 75th UAAP men’s basketball sa MOA Arena sa Pa­say City.

Kalaban ng Tigers ang UP dakong alas-4 ng hapon at pakay ng koponan ni coach Alfredo Jarencio na makuha ang ikalawang dikit na panalo matapos ang tatlong laro.

Ang UE at Adamson ay mag-uunahan naman sa paghablot ng unang ta­gumpay sa unang tagisan sa alas-2 ng hapon.

Inilampaso ang Falcons ng four-time defending champion Ateneo, 57-73, kaya’t tiyak na nais nilang makabawi.

Pero hindi sila puwedeng maging kumpiyansa laban sa tropa ni coach Jerry Codiñera dahil totodo ang Warriors para maputol ang dalawang dikit na kabiguan na bumulaga sa kampanya sa taon.

Galing sa kahanga-ha­ngang 71-70 panalo ang Tigers sa Blue Eagles na kinatampukan ng pagba­ngon mula sa 19 puntos pagkakalubog sa second period.

Mula rin sa kabiguan ang Maroons sa kamay ng La Salle, 68-73, kaya’t umaasa si Jarencio na hindi magbabago ang ipakikita ng kanyang mga alipores sa pangunguna ni Aljon Mariano na gumawa ng 21 puntos at 13 boards at 13 sa ikatlong yugto na kung saan nadomina ito ng koponan tungo sa pagtangan ng mo­­mentum.

Ang Maroons ay sasan­dal sa mga beteranong sina Mike Silungan at Mike Gamboa para makapasok sa win column.  

ADAMSON

ALFREDO JARENCIO

ALJON MARIANO

ANG MAROONS

BLUE EAGLES

JERRY CODI

LA SALLE

MIKE GAMBOA

MIKE SILUNGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with