^

PSN Palaro

2nd win puntirya ng La Salle, Ateneo sa UAAP

- Angeline Tan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dugtungan ang mga ma­gandang panimula sa 75th UAAP men’s basketball ang balak ng Ateneo at La Salle sa pagpapatuloy ng laro ngayon sa Araneta Coliseum.

Ikalawang dikit na panalo ang nakaumang sa Eagles at Archers kung kanilang maigugupo ang hamon ng UST at UE ayon sa pagkakasunod.

Mula sa 73-57 panalo laban sa Adamson, ang tro­pa ni coach Norman Black ay tiyak na masusukat sa larong ito dahil ang Tigers ay mas lumakas pa at may mga malalaking manla­laro na maaaring itapat sa Eagles.

Galing sa 72-73 pagyukod ang tropa ni coach Alfredo Jarencio at kahit masakit ang pagkatalong ito, naipakita naman ng Tigers na kaya nilang maki­pagsabayan sa pangunguna ng 6’7 na si Karim Adbul, shooter Jeric Teng, Jeric For­tuna at mga nagbabalik na sina Clark Bautista at Aljon Mariano.

Ang 7-footer na si Greg Slaughter, Nico Salva at Kiefer Ravena ang ma­ngunguna sa Eagles na sasandal din sa kanilang ipinagmamalaking depensa para mapaamo ang mga Tigre.

Sariwa ang Archers sa 73-68 panalo laban sa UP at pinapaboran sila na makuha ang ikalawang sunod na panalo laban sa Red Warriors na lumasap ng 55-90 pagkatalo sa pagbubukas ng liga sa kamay ng host National University.

ALFREDO JARENCIO

ALJON MARIANO

ARANETA COLISEUM

CLARK BAUTISTA

GREG SLAUGHTER

JERIC FOR

JERIC TENG

KARIM ADBUL

KIEFER RAVENA

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with