^

PSN Palaro

Bad shot

PRESS ROW - Abac Cordero - The Philippine Star

‘Di na yata matapus-tapos ang problema sa bilyar sa ating bansa.

Sayang dahil mahal na mahal pa naman ng mga Pinoy ang sport na ito kung saan sumikat sa buong mun­do sina Amang Parica, Bata Reyes, Django Bus­tamante, Alex Pagulayan, Ronnie Alcano, Lee Van Corteza at Dennis Orcollo.

Kahit sa mga babae, hindi din naman magpapaiwan sina Rubilen Amit at Iris Ranola.

Pero wala naman sa mga players natin ang problema kundi sa mga opisyales na nagpapatakbo ng Bil­liards Sports Confederation of the Philippines (BSCP).

Talagang hindi sila magkasundo.

Nung 2009 ay napalitan ang dating liderato sa BSCP na sila Ernie Fajardo at Yen Makabenta at nai­ha­lal sila ni Bong Ilagan bilang pangulo at ni Putch Puyat bilang chairman.

Akala ng lahat ay ayos na ang butu-buto.

Pero wala din pala dahil di nagtagal ay naglitawan ang mga hinaing ng ibang mga players laban kay Ila­gan na hindi na rin makapaniwala kung bakit siya na­babatikos.

Tila ang kasalanan ng iba ay naibabaling kay ilagan. At nung July 9 ay naganap ang isang eleksiyon kung saan nanalo si Puyat bilang bagong presidente ng BSCP.

Nangako si Puyat na aayusin ang mga gusot sa BSCP.

Kaya lang mukhang kailangan niyang maghintay dahil umalma si Ilagan na illegal daw ang pagkakahalal kay Puyat bilang presidente.

“Ako pa din ang presidente,” wika ni Ilagan.

Madaming isyu ang ibinabato laban kay Ilagan pero may mga isyu din siyang ibinabato kay Puyat. Kaya asa­han natin ang palitan ng mga maaanghang na salita sa darating na mga araw.

Hindi mo na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Dating magkakampi, ngayon magkaaway na.

Okay lang sana kung ang away nila ay sa kanila na lang. Pero ang masama dito ay ang mga players ang naaapektuhan dahil may mga sasanib kay Puyat at may mga kakampi kay Ilagan.

Nakakahiya na naman ang Pilipinas sa larangan ng bilyar kung titingnan tayo ng World Pool-Billiards As­sociation o WPA.

Marahil ay nagtataka sila bakit maya’t maya ay may sumisingaw na baho at gulo mula sa ating bansa.

Kaya nga siguro dahan-dahan na din bumababa ang mga ranking ng mga Pinoy na manlalaro natin.

Huwag na tayong magtaka. 

ALEX PAGULAYAN

AMANG PARICA

BATA REYES

BONG ILAGAN

ILAGAN

KAYA

PERO

PUYAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with