^

PSN Palaro

Jaro nahubaran ng korona ni Igarashi

- Russell Cadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos si Manny Pacquiao, si Sonny Boy Jaro naman ang nakalasap ng isang split decision loss.

Natalo si Jaro kay Ja­panese challen­ger Toshiyuki Igarashi kasabay ng pagka­kahubad sa kanyang hawak na World Boxing Council (WBC) flyweight title ka­makalawa ng gabi sa Saitama, Japan.

Nabigyan ang 30-anyos na si Jaro ng 116-112 puntos, subalit nakakolekta naman ang 28-anyos na si Igarashi ng 115-113 at 116-112 puntos mula sa tatlong judges.

Naagaw naman kay Pacquiao ang kanyang da­ting hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight title matapos matalo kay Timothy Bradley, Jr. mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Bagama’t nakakapasok ang kanyang mga suntok, hindi ito sapat para ibigay sa kanya ng dalawa pang judges ang panalo laban kay Igarashi.

May 34-11-5 win-loss-draw ring record ngayon ang pambato ng Silay City, Negros Occidental na si Jaro kasama ang 24 KOs, habang may 16-1-0 (10 KOs) card naman si Igarashi. Ang WBC belt ni Jaro ay nanggaling sa kanyang pagpapabagsak kay Pongsaklek Wonjongkam (83-4-2, 44 KOs) ng Thailand sa 6th round noong Marso 2 sa Chonburi, Thailand.

IGARASHI

JARO

LAS VEGAS

NEGROS OCCIDENTAL

PONGSAKLEK WONJONGKAM

SILAY CITY

SONNY BOY JARO

TIMOTHY BRADLEY

TOSHIYUKI IGARASHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with