JRU asam ang ikaapat na sunod na panalo

MANILA, Philippines - Masaya si Jose Rizal Uni­versity coach Vergel Me­neses sa tatlong dikit na panalo na nakuha ng kan­yang koponan sa 88th NCAA men’s basketball tour­nament.

Pero hindi naman ito na­ngangahulugan na da­pat silang ilagay agad bi­lang title favorites dahil ma­rami pang laban ang ka­nilang dadaanan.

“Malayo pa ang laban at any­thing can still happen,” wika ni Meneses na naitala rin ang kanyang best start sa tatlong taon na pag-upo sa Heavy Bombers bench.

Sa gabing ito ay masu­sukat na ang tunay na kali­dad ng JRU dahil katapat ni­la sa ganap na alas-6 ng ga­­bi ang San Sebastian Stags.

“This is our first real test. Hindi ko naman sinasa­bi na mahihina ang mga na­unang nakalaban namin pe­ro ito talaga ang test da­hil champion team ang San Sebastian,” dagdag ni Me­neses.

Bagamat may ipinag­ma­malaking Nate Matute na naghahatid ng 25 puntos sa naunang tatlong laro, ka­sama ang career high na 30 puntos nang gibain ang Emilio Aguinaldo College, 90-79, noong Hulyo 5.

Mahalaga rin ang la­rong ito para sa Stags dahil ikatlong sunod na panalo ang kanilang maipoposte pa­ra umangat sa ikalawang puwesto na solong ha­wak ngayon ng Perpe­tual Help.

 

Show comments