Sharks, Dolphins mag-uunahan sa Game One

MANILA, Philippines - Unahan sa mahala­gang 1-0 kalamangan ang mangyayari sa pagitan ng back-to-back defending champion Manila Sharks at two-time champion Cebu Dol­phins sa pagbubukas ng Baseball Philippines Se­ries 9 Finals ngayon sa Ri­zal Memorial Baseball Field.

Ang laro ay magsisi­mu­la sa ganap na ala-1 ng hapon at magsisilbing panghimagas ay ang exhibition game sa pagitan ng Ala­bang Tigers at Philippine Sakada sa ganap na alas-9 ng umaga.

Parehong dumaan sa bu­tas ng karayom ang dalawang koponan sa semifi­nals kaya’t inaasa­hang han­dang-handa ang mga man­lalarong ito sa best-of-three finals.

“Mahalaga ang Game One dahil ang mananalo rito ay puwedeng magtuluy-tu­loy na. Gagawin namin ang lahat para manalo rito,” wi­ka ni Dolphins team ma­na­ger Isaac Bacarisas na ti­nalo ang Alabang Tigers sa ikalawang laro sa Final Four, 17-9.

Ang pride ng pagiging back-to-back champions ang bitbit ng Sharks sa la­banang ito.

Naipakita ng tropa ni team manager Jhoel Pala­nog ang championship ex­perience nang balewa­la­in nila ang twice-to-beat ad­vantage ng Du­maguete Uni­bikers matapos kunin ang 12-10 panalo sa ikalawang tagisan.  

Show comments