CARACAS – Sinikwat ng Nigeria ang pinakahuling men’s basketball berth sa 2012 London Olympics matapos ilista ang 88-73 panalo laban sa Dominican Republic sa FIBA qualifying tournament.
Nauna nang ginitla ng Nigeria ang paboritong Greece sa quarterfinals ngunit natalo sa Russia sa semifinals.
Binigo naman ng Lithuania ang Dominican Republic na nag-iwan sa kanila ng Nigeria para paglabanan ang ikatlo at huling tiket sa 2012 London Games.
Humakot si Ike Diogu, isang 10-year NBA veteran na naglaro para sa San Antonio Spurs noong nakaraang season bago kumampanya sa Chinese Basketball Association para sa Xinjiang Flying Tigers, ng 25 points at 10 rebounds sa pagbandera sa Nigeria.
Nakahugot rin ang Nigeria, No. 21 sa International Basketball Federation (FIBA) world rankings, ng 14 points kay Al-Farouq Aminu, naglalaro sa NBA para sa New Orleans Hornets.
Tumipa si Yack Martinez ng 16 points para sa led the Dominican Republic, ginabayan ni University of Kentucky coach John Calipari.
Maglalaro ang Nigeria at Lithuania sa Group A sa preliminary round ng London Olympics kasama ang 2008 champions United States, Argentina, France at Tunisia, habang kasama ng Russia sa Group B ang Spain, Brazil, Australia, China at host Great Britain.