^

PSN Palaro

Nigeria kinuha ang huling Olympic seat

- The Philippine Star

CARACAS – Sinikwat ng Nigeria ang pinakahu­ling men’s basketball berth sa 2012 London Olympics ma­tapos ilista ang 88-73 pa­nalo laban sa Dominican Republic sa FIBA qualifying tournament.

Nauna nang ginitla ng Ni­geria ang paboritong Greece sa quarterfinals ngu­nit natalo sa Russia sa se­mifinals.

Binigo naman ng Li­thuania ang Dominican Re­public na nag-iwan sa ka­nila ng Nigeria para pag­labanan ang ikatlo at hu­ling tiket sa 2012 London Ga­mes.

Humakot si Ike Diogu, isang 10-year NBA vete­ran na naglaro para sa San Antonio Spurs noong na­karaang season bago ku­mampanya sa Chinese Basketball Association para sa Xinjiang Flying Tigers, ng 25 points at 10 rebounds sa pagbandera sa Nigeria.

Nakahugot rin ang Nigeria, No. 21 sa International Basketball Federation (FIBA) world rankings, ng 14 points kay Al-Farouq Aminu, naglalaro sa NBA pa­ra sa New Orleans Hornets.

Tumipa si Yack Martinez ng 16 points para sa led the Dominican Republic, ginabayan ni University of Kentucky coach John Calipari.

Maglalaro ang Nigeria at Lithuania sa Group A sa preliminary round ng London Olympics kasama ang 2008 champions United States, Argentina, France at Tunisia, habang kasama ng Rus­sia sa Group B ang Spain, Brazil, Australia, Chi­na at host Great Britain.

AL-FAROUQ AMINU

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

DOMINICAN RE

DOMINICAN REPUBLIC

GREAT BRITAIN

GROUP A

GROUP B

LONDON OLYMPICS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with