^

PSN Palaro

Filipino Olympians ramdam ang 'pressure'

- The Philippine Star

LONDON --- Sa pagdating nila sa kani-ka­nilang training camps, unti-unti nang nararamdaman ng mga Filipino athletes ang ‘pres­sure’ sa paglalaro sa 30th Olympic Games na mag­sisimula sa Hulyo 27.

“We started swimming at Surrey Sports Park, every­day, twice a day,” sa­bi ni national swimmer Jas­mine Alkhaldi kasama si Jessie Khing Lacuna. “We see other Olympians swim in the same pool, so it’s very inspiring.”

Pinagbigyan rin ng mga Olympians ang kahilingan ng kanilang mga kababayan pa­ra sa isang ‘meet-and-greet’ session.

“Nu’ng nandoon kami sa Surrey, 'yung mga Pilipino gra­be ang suporta nila,” wi­ka ni lady weightlifter Hidilyn Diaz.

Nangako ang mga Filipi­no bets na gagawin ang la­hat ng kanilang makaka­ya para makapag-uwi ng me­dalya mula sa London Olympics.

“We will do the best we can, with all our might,” sabi ni Alkhaldi.

“Ito ang unang Olympics ko. Kailangan bigay todo pa­ra makaabot ng Finals,” wika na­man ni steeple chaser Re­ne Herrera.

Huling nagkaroon ng me­dalya ang bansa sa Olym­pics noong 2006 mula sa silver medal ni Mansueto ‘Onyok’ Velacso, Jr.

Magsasanay naman si bo­xer Mark Anthony Barriga sa Cardiff, Wales.

Ang huling grupo ng mga Olympians na kukum­pleto sa isang 11-man Philip­pine squad ay darating sa Hul­yo 20.

ALKHALDI

CARDIFF

FILIPI

HIDILYN DIAZ

JESSIE KHING LACUNA

LONDON OLYMPICS

MARK ANTHONY BARRIGA

OLYMPIC GAMES

SHY

SURREY SPORTS PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with