^

PSN Palaro

Williams reyna ng Wimby

- The Philippine Star

Wimbledon--Umiskor si Serena Williams ng 6-1, 5-7, 6-2 ng panalo laban kay Agnieszka Radwanska ng Poland para angkinin ang Wimbledon crown.

“Every title is special, but this one is definitely super-special because it’s a huge comeback for me,” sabi ni Williams sa pagkopo niya sa kanyang pang-limang Wimbledon title.

Dalawang taon na ang nakararaan nang magkaroon ng problema si Williams sa kanyang kalusugan na nagpabulusok sa kanyang ranggo.

Nagsimula ito nang mangailangan siya ng 18 tahi kasunod ang surgery matapos makatapak ng bubog sa isang Munich restaurant.

Nagkaroon rin siya ng blood clots sa kanyang baga.

Sa kabila nito, nagpilit pa ring makabalik si Williams.

Sa panalo kay Radwanska, nakamit ng 30-anyos na si Williams ang kanyang pang-14th Grand Slam crown.

Samantala, sinabi ni Scotland’s First Minister Alex Salmond na ang buong bansa ay susuporta kay Andy Murray sa Linggo sa pagsabak nito sa men’s finals kontra kay Swiss great Roger Federer.

Nakatakdang bumiyahe si Salmond sa southwest London upang makita kung kaya ni Murray na basagin ang isa sa pinakamahabang tagtuyot sa naturang sports, matapos ang pananalasa ng kauna-unahang Briton na nakarating sa men’s finals sa nakalipas na 74-taon.

Tatangkain ni Murray, mula sa Dunblane sa central Scotland na maging unang British man na nanalo ng Wimbledon matapos ni Fred Perry noong 1936.

AGNIESZKA RADWANSKA

ANDY MURRAY

DALAWANG

FIRST MINISTER ALEX SALMOND

FRED PERRY

GRAND SLAM

ROGER FEDERER

SERENA WILLIAMS

WIMBLEDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with