^

PSN Palaro

Donaire kinuha ang 2 titulo

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napagtagumpayan ni Nonito Donaire Jr. ang hinangad na dalawang titulo sa super bantamweight division nang talunin si da­ting IBF champion Jef­frey Mathebula ng South Africa gamit ang unanimous decision kahapon sa Home Depot Center sa Carson City, California.

Napahirapan si Donaire ng mga jabs mula sa mas matangkad na si Mathebula ngunit nagawa pa rin niyang isingit ang mga power punches upang makuha ang pagsang-ayon ng tatlong hura­dong tinapik para iskoran ang laban.

Bumulagta si Ma­thebula sa fourth round nang tamaan ng ma­la­kas na counter left hook ni Donaire at kahit nagawa niyang tapusin ang laban at nakaporma pa sa mga git­­na ng rounds, hindi naman sapat ito para tabunan ang trabahong ginawa ng Filipino ‘Flash’ tungo sa 119-108, 117-110,118-109 panalo mula kina Deon Dwarte, Jonathan Davis at Steve Morrow.

“It was tough. The jab really took me out of my power range. He’s a great champion, he wouldn’t let me get in there and let me work,” pagpupugay ng 29-anyos na si Donaire, ang kampeon ng WBO, na isinantabi rin ang pamumulikat ng magkabilang binti dahil sa kakulangan sa pag-warm up.

Tanggap naman ng 33-anyos, 5’10 na si Ma­thebula ang pagkatalo at aminadong mas mahusay sa kanya si Donaire na hawak ang number four puwesto sa pound for pound King ranking.

Hanap ngayon ni Do­naire ang mapalaban pa sa isang kilalang boksi­ngero sa dibisyon kung hindi pa puwede ang isang kampeon upang lumapit sa hangaring mapag-isa ang lahat ng titulo sa 122-pound division.

Si Toshiaki Nishioka ng Japan ang sinisipat ni Do­naire na makalaban da­hil sa kanyang pananaw ay ito ang pinakamatindi sa kanilang dibisyon kahit walang hinahawakang titulo sa ngayon.

Si Nishioka ang kinikila­­lang WBC emeritus super bantamweight champion at pinanood niya sa ringside si Donaire.

Bukod sa Japanese bo­xer, posible ring si Jorge Arce ng Mexico ang itapat sa kanya na siyang napupu­suan ni Top Rank promoter Bob Arum.

Ipinarating din ni Donaire kay Arum ang pagnanais na makalaban sa harap ng mga Filipino boxing fans bagay na sisikaping gawin ng beteranong promoter.

“I’m open to it being in the Philippines,” wika ni Arum na nananalig na su­suportahan siya sa nasa­bing plano ng HBO na siyang nagsaere ng nasabing unification fight.

BOB ARUM

CARSON CITY

DEON DWARTE

DONAIRE

HOME DEPOT CENTER

JONATHAN DAVIS

JORGE ARCE

MATHEBULA

NONITO DONAIRE JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with