^

PSN Palaro

Ginebra magpapasiklab sa harap ni Jawo vs Boosters

- Russell Cadayona - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Umaasa si coach Siot Tanquingcen na mas lalong lalakas ang loob ng mga Gin Kings sa inaasahang panonood sa kanila ni ‘Li­ving Legend’ Robert Ja­worski, Sr. sa kanilang laro kontra sa Boosters.

“I hope it would give extra lift sa players,” sambit ni Tanquingcen sa posibleng pag-upo sa kanilang bench ng 66-anyos na si Jaworski matapos ang jersey retirement ceremony ngayong alas-6 ng gabi bago ang laro ng Barangay Ginebra at nagdedepensang Petron Blaze sa alas-6:15 sa carry-over semifinal round ng 2012 PBA Governors Cup sa Smart-Araneta Co­liseum.

Sa unang laro sa alas-3:30 ng hapon ay magta­tagpo naman ang Rain or Shine at Meralco.

Nakamit ng Gin Kings ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang Bolts, 89-76, habang ginitla naman ng Boosters ang Elasto Pain­ters, 90-88, noong Biyernes.

Bitbit ng Rain or Shine ang 8-2 kartada kasunod ang B-Meg (6-3), Petron (6-4), Ginebra (6-4), Talk ‘N Text (5-4) at Meralco (4-6). 

“It’s tough playing Petron. They’re very talented, kumpleto pa sila,” wika ni Tanquingcen.

Sa naturang panalo ng Boosters sa Elasto Painters, kumolekta si import Marcus Faison ng 20 points, 9 rebounds, 1 steal at 1 shot block.

“Malaking help ‘yung import sa amin. Karara­ting lang niya pero siguro meron pang maibibigay na tulong sa amin,” wika ni coach Ato Agustin kay Faison, pumalit sa may in­jury na si Eddie Basden.

ATO AGUSTIN

BARANGAY GINEBRA

EDDIE BASDEN

ELASTO PAIN

ELASTO PAINTERS

GIN KINGS

GOVERNORS CUP

MARCUS FAISON

MERALCO

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with