^

PSN Palaro

Jersey ni Jaworski ireretiro ngayon

- Russell Cadayona - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Ang pinakahuling official game ni Robert Jaworski, Sr. ay noong 1998 bilang playing coach ng Anejo Rhum sa edad na 42-anyos.

Labing apat na taon ang nakararaan, ngayong alas-6 ng gabi ay muling papagitna ang 66-anyos na dating Senador sa hardcourt ng Smart-Araneta Coliseum sa pormal na pagreretiro sa kanyang No. 7 jersey ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ayon sa tinaguriang ‘The Living Legend’, hindi niya ikinukunsidera ang pagreretiro ng kanyang jersey number bilang pagwawakas ng kanyang basketball career.

“I don’t want to use the word retirement,” sabi ng 1978 PBA Most Valuable Player na si Jaworski. “I have some surprises…kaya dapat alisto kayo.”

Ilang alok rin ang dumating sa kanya, ngunit hindi niya ito kinagat.

“I have been extended so many offers that I wanted to get involved in. However, I also have certain rules in life. If I cannot do a little of what I want to do, I won’t mess around with it. Kung sasaling-pusa lang po ako, hindi na lang,” ani Jaworski.

ANEJO RHUM

AYON

IF I

ILANG

JAWORSKI

LIVING LEGEND

MOST VALUABLE PLAYER

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

ROBERT JAWORSKI

SMART-ARANETA COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with