^

PSN Palaro

88th NCAA Chiefs nakaisa rin

- ATan - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Pinawi ng Arellano University ang mapapait na kabiguan sa tatlong naunang laro nang gulatin ang host Letran sa isang pisikal na laro, 77-67, sa 88th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Gumawa ang Fil-Canadian guard James Forrester ng 18 puntos at 11 rebounds at ang kanyang pang-apat na tres sa laro ay nakatulong para ibigay sa Generals ang 71-64 bentahe may 2:22 sa orasan.

Maagang lumayo ang Chiefs sa 51-37 pero naghabol ang kulang sa taong Knighs at dumikit sa dalawa, 64-66, sa buslo ni Mark Cruz.

Pero nagpakita ng tikas ang Chiefs sa endgame upang makapasok na sa win column habang ipina­lasap nila sa host Letran ang ikalawang sunod na pag­katalo sa tatlong laro.

“Ang lagi ko lamang na sinasabi sa kanila is to think positive. Kailangan din na hindi mawawala ang tiwala nila sa isa’t-isa,” wika ni Banal na nakuha ang unang panalo bilang coach ng Arellano.

Si John Bangga ay naghatrid ng 13 puntos at 5 rebounds habang si Julius Cadavis ay mayroong 11 puntos para sa magandang pagtutulungan.

May 22 puntos, 6 assists, 5 rebounds at 3 blocks si Kevin Alas pero ininda ng Knights ang pagkawala sa laro dahil sa fragrant foul II na ipinataw kina Jam Cortes at Jonathan Belorio.

Hindi rin naglaro si Raymond Almazan dahil sa trangkaso kaya’t napilay ang inside defense ng koponan.

Muntik nang nagkaroon ng kaguluhan sa halftime nang sumugod ang mga panatiko ng Knights ang kina­lulugaran ng mga refe­rees pero naawat ito ng mga seguridad ng venue.

ARELLANO UNIVERSITY

JAM CORTES

JAMES FORRESTER

JONATHAN BELORIO

JULIUS CADAVIS

KEVIN ALAS

LETRAN

MARK CRUZ

RAYMOND ALMAZAN

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with