^

PSN Palaro

Donaire-Mathebula mag-uupakan na

- ATan - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Sisikaping ipakita ni Nonito “Filipino Flush” Donaire na taglay niya ang ang­king lakas at husay kahit sa mas mataas na timbang na super bantamweight na lumalaban sa unification title fight nila ni Jeffrey Mathebula ng South Africa ngayong umaga sa Home Depot Center sa Carson, California.

Inaasahang naroroon sa ringside ang malaking bilang ng Pinoy na naninirahan na sa California upang suportahan ang hanap na panalo ni Donaire sa labang handog ng Top Rank.

Nakataya sa tagisan ang WBO title ni Donaire at ang IBF crown ni Mathebula kaya’t ang magwawagi ay aabante ng isang hakbang para sa asam na maisuot ang lahat ng korona sa 122-pound division.

Tumimbang sa 121.4 pounds si Donaire habang 121.8 pounds naman si Mathebula sa weigh-in kahapon upang ipakitang nasa magandang kondisyon ang dalawa para sa laban.

May 28-1 karta kasama ang 18 KOs, masusukat ang husay ni Donaire dahil siya ay magbibigay ng halos tatlong pulgadang agwat sa height laban sa 33-anyos na 5’10” katunggali.

“Mathebula is an incredible fighter and we can’t look past him. I knew this guy would motivate me and he made me train as hard as I did,” wika ni Donaire.

Ngunit ang mas mala­king motibasyon para talunin ang katunggali na nakapaglaro rin sa Sydney Olympics noong 2000 bilang isang amateur boxer, ay ang katotohanang mapapalaban siya sa mas mabigat na pangalan sa dibisyon kapag muling sumampa ng ring.

“We’re fighting for the IBF and once we get past that, we have the WBA or the WBC. That’s what I want to do. I want to clean up this division, conquer it, that’s my dream,” dagdag pa ni Donaire na number four sa talaan ng pound for pound King.

Tiniyak naman ni Mathebula na hindi mangyayari ang pangarap ng katunggali dahil gugulatin niya ang mga manonood ng laban.

“Expect a guy who is taller, who is smarter, who is faster in the ring. Everything that Nonito has, I got it twice. He’s a good boxer but I’m better believe me,” wika ni Mathebula.

Si referee Pat Russell ang siyang aakto bilang third man sa ring habang sina Deon Dwarte, Lou Moret at Steve Morrow ang mga hu­rado.

DEON DWARTE

DONAIRE

FILIPINO FLUSH

HOME DEPOT CENTER

JEFFREY MATHEBULA

LOU MORET

MATHEBULA

NONITO

PAT RUSSELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with