^

PSN Palaro

Heavy Bombers nasolo ang liderato

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Binago uli ni Nate Matute ang kanyang career-high tungo sa 30 puntos upang ibandera ang Jose Rizal University sa 90-79 panalo sa Emilio Aguinaldo College sa idinaos na 88th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Pitong tres ang naipasok sa sampung tira ni Ma­tute sa laro at dalawa rito ay ibinagsak sa puntong buma­bangon ang Gene­rals para ibigay kay third year coach Vergel Meneses ang pinakamagandang start sa 3-0 karta.

“Most of our offense run on Nate. He has been carrying us the past three games and I hope he will continue to keep on impro­ving,” wika ni Meneses kay Matute na gumawa ng 29 puntos sa huling laro kontra sa Arellano.

Ang rookie na si Michael Mabulac ay tumapos taglay ang 14 puntos at 11 rebounds, si John Lopez ay mayroong 11 puntos, 9 rebounds, 6 assists at 2 blocks habang si Alex Almario ay may 11 puntos at 7 assists para sa JRU na nasolo uli ang paghawak sa liderato sa sampung koponang liga.

ALEX ALMARIO

ARELLANO

BINAGO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

JOHN LOPEZ

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MABULAC

NATE MATUTE

SAN JUAN CITY

VERGEL MENESES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with