^

PSN Palaro

Team Phl talsik sa Japan sa WPTC

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nawala ang mahika na dating taglay ng 57-anyos na si Efren “Bata” Reyes upang maisuko ng Team Philippines ang 7-5 pagkatalo sa shootout laban sa Japan at mamaalam na sa 2012 World Pool Team Championship noong Miyerkules sa Tongzhou Luhe High School, Tongzhou, Beijing, China.

Nauwi sa shootout ang laban ng Pilipinas at Japan nang bumangon ang mga pambatong sina Reyes, Francisco Bustamante, Dennis Orcollo at Rubilen Amit mula sa 1-3 iskor at naitabla sa 3-3.

Ang 8-ball lamang ang ipapasok sa shootout at salitan ang apat na manlalaro ng magkabilang koponan sa pagtira.

Dikitan din ang shootout at nagtabla ang magkabilang koponan sa 3, 4 at 5. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, dalawang beses sumablay si Reyes para manalo ang Japan na binalikat nina Yukio Akagariyama, Toru Kuriba­yashi, Naoyuki Oi at Chihiro Kawahara sa tagisan sa quarterfinals.

Bago ito ay nanalo muna ang Pilipinas sa Norway, 4-0, sa pagsisimula ng Last 16 at dahil hanggang quarterfinals lang ang kinaya, nakontento ang mga pambato ng bansa sa gantimpalang $12,000.

CHIHIRO KAWAHARA

DENNIS ORCOLLO

FRANCISCO BUSTAMANTE

NAOYUKI OI

PILIPINAS

REYES

RUBILEN AMIT

TEAM PHILIPPINES

TONGZHOU LUHE HIGH SCHOOL

TORU KURIBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with