^

PSN Palaro

Kvitova hinubaran ni Serena ng korona

- The Philippine Star

WIMBLEDON, England --Umabante si Serena Williams sa semifinal round ng Wimbledon matapos talunin si defending champion Petra Kvitova, 6-3, 7-5, dito sa All England Club.

Malaki ang ipinagpasalamat ni Williams sa kanyang kapatid na si Venus, ayon sa kanilang father/coach na si Richard.

Si Venus ang tumayong coach ni Williams sa kanyang panalo laban kay Kvitova.

Hangad ng 30-anyos na si Williams na maging unang woman netter sa kanyang edad na nanalo ng isang major title matapos si Martina Navratilova noong 1990.

“You can’t play a defending Wimbledon champion or Grand Slam champion and not elevate your game,’’ sabi ng No. 6 na si Williams, humataw ng 27 winners at may 10 unforced errors.

Bago natalo kay Williams, nanalo si Kvitova sa 16 sa kanyang huling 17 matches sa Wimbledon, kasama rito ang 11 sunod matapos mabigo kay Williams sa 2010 semifinals.

Sa semis, makakasagupa ni Williams si No. 2 Victoria Azarenka ng Belarus, ang kasalukuyang Australian Open champion.

Tinalo ni Azarenka si unseeded Tamira Paszek, 6-3, 7-6 (4), sa quarterfinals.

Sa iba pang semis match, maglalaban sina No. 3 Agnieszka Radwanska ng Poland at No. 8 Angelique Kerber ng Germany.

AGNIESZKA RADWANSKA

ALL ENGLAND CLUB

ANGELIQUE KERBER

AUSTRALIAN OPEN

GRAND SLAM

KVITOVA

MARTINA NAVRATILOVA

PETRA KVITOVA

SERENA WILLIAMS

WILLIAMS

WIMBLEDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with