^

PSN Palaro

Arum dismayado sa imbestigasyon ng Nevada

- RCadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dismayado si Bob Arum ng Top Rank Promo­tions sa resulta ng isinagawang imbestigasyon ng opisina ni Nevada attorney general Catherine Cortez Masto kaugnay sa sinasabi niyang dayaan sa laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. noong Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ipinagtaka ni Arum kung bakit hindi kinuwestiyon ni Dale Liebherr, ang chief of investigations ng Nevada attorney general, ang mga judges na sina Jerry Roth, C.J. Ross at Duane Ford.

Binigyan nina Ford at Ross si Bradley ng 115-113 iskor, habang tumanggap naman si Pacquiao ng 115-113 kay Roth para sa naturang kontrobersyal na split decision win ng American fighter.

“I have no reaction to it,” ani Arum. “They spent a lot of time interviewing the referee (Robert Byrd) who had nothing to do with judging the fight, and I didn’t see any interviews with the three judges who scored it? Wouldn’t you do that if you were looking into it?”

Binigyan nina Ford at Ross si Bradley ng 115-113 iskor, habang tumanggap naman si Pacquiao ng 115-113 kay Roth.

Mariing kinondena ni Arum ang naturang resulta matapos siyang akusahan ng mga boxing fans ng pag­mamanipula sa nasa-bing laban na nagtulak sa kanya para hilingin kay Cortez Masto na magsa-ga­wa ng imbestigasyon.

Ayon naman kay Cortez Masto, eksperyensado na ang mga judges at kuwa­lipikadong mamahala sa isang malaking laban.

“Displeasure with the subjective decisions of sporting officials is not a sufficient basis for this office to initiate a criminal investigation,” wika ni Cortez Masto. 

Dahil sa panalo, na­agaw ng 28-anyos na si Bradley sa 33-anyos na si Pacquiao ang suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown.

BINIGYAN

BOB ARUM

BRADLEY

CATHERINE CORTEZ MASTO

CORTEZ MASTO

DALE LIEBHERR

DUANE FORD

JERRY ROTH

LAS VEGAS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with