^

PSN Palaro

US cycling training facility 'di ipinagamit kay Caluag

- The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Binawalang gumamit ng US cycling training faci­lity, kailangang maghanap si Olympics-bound Fil-Am BMX rider Daniel Caluag ng lugar sa kanyang huling paghahanda para sa 2012 London Games.

“He was not allowed by USA Cycling to train in their facility because he’s representing the Philippines in London,” wika ni PhilCycling president at Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino.

Inilipat ng 25-anyos na si Caluag ang kanyang pagsasanay sa Netherlands kung saan siya lumalahok sa mga karera, at itinakda ang kanyang pre-games preparations sa Canada.

“He will train for one week in the Netherlands and one week in Canada before heading to London,” sabi ni Tolentino, tumanggap muli ng isang four-year term sa isang “unifying election” na nagluklok rin kay dating Philippine Sports Commission chairman Philip Ella Juico bilang VP.

Ayon kay Tolentino, darating si Caluag sa UK capital sa Hulyo 29.

Sumabak si Caluag, ang mga magulang ay tubong Bulacan, sa tatlong qualifying tournaments, kasama rito ang UCI BMX World Championships sa Birmingham, United Kingdom, para makakuha ng high-ranking points at tiket sa London.

Siya lamang ang ta­nging Asian na lalahok sa BMX event ng 2012 Games.

Samantala, aalis nga­yon si boxer Mark Anthony Barriga patungong London upang sumali sa training camp bilang panghuling bahagi ng kanyang paghahanda para sa Olympics.

Makakasama ng 19-anyos na si Barriga si na­tional coach at Barcelona Olympics bronze medalist Roel Velasco na magsasanay sa Cardiff, Wales.

BARCELONA OLYMPICS

CALUAG

DANIEL CALUAG

LONDON GAMES

MARK ANTHONY BARRIGA

PHILIP ELLA JUICO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ROEL VELASCO

TAGAYTAY CITY MAYOR BAMBOL TOLENTINO

TOLENTINO

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with