Howard ayaw na sa Magic

ORLANDO, Fla.--Hindi pa handang talakayin ng Orlando Magic ang pinakahuling trade demand ni Dwight Howard na nagsabing gusto niyang lumipat sa Brooklyn Nets.

Sinabi ng bagong Orlando general manager na si Rob Hennigan na gusto ni Howard na ma-trade.

Ayon kay Hennigan, hindi pa nila pag-uusapan ang naturang kagustuhan ni Howard ngunit patuloy na bubuksan ang kanilang linya ng All-Star pati na ng kanyang agent.

Ilang NBA teams ang sinabi ni Howard na gusto niyang paglaruan, subalit sa araw ng trading deadline ay nangako siyang mag­lalaro para sa Magic sa 2012-13 season.

Hangad ng Magic na mapapirma si Howard sa isang long-term deal, su­balit matapos makausap ni Howard ang bagong ge­neral manager ng Magic ay nilinaw ng All-Star center na gusto niyang umalis sa Orlando.

Show comments