MANILA, Philippines - Isang mainit na pagtanggap ang nakamit ng Philippine athletes at officials mula sa kanilang mga kababayan na nakatira sa London matapos ang kanilang mahabang biyahe mula sa Maynila para sa 30th Olympic Games.
Nakipagkamay sina shooter Brian Rosario at swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie Khing Lacuna buhat sa mga opisyales ng PH embassy at Filipino community sa kanilang pagdating sa Heathrow airport.
“Good luck and more power to all of you as you strive to win a medal,” wika ni embassy official Rey Catapang sa grupo na kinabibilangan rin nina coaches Ray Brosas ng swimming at Gay Corral ng shooting at administrative officer Arsenic Lacson.
Ipinangako ng mga atleta, nakasuot ng kanilang mga team jackets, sa kanilang mga kababayan na gagawin nila ang lahat para manalo at ang kanilang makukuha sa isang 15-day training camp na ngayon lamang ginawa para sa Olympics.
Pinasalamatan naman ni PH team chief of mission Manny Lopez ang embassy at Filipino community para sa kanilang “kind gesture that will definitely boost the morale of our Olympians’.
Mula sa airport, dumiretso ang grupo sa kanilang mga training camps sa pamamagitan ng pagsakay sa bus.
Sina Alkhaldi, Lacuna at Brosas ay magtutungo sa Surrey Sports Park sa Guildford at si Rosario magsasanay sa E.J. Churchill shooting range sa West Wycombe Estate.
Sina weighlifter Hidilyn Diaz at coach Tony Agustin ay mamalagi rin sa Surrey Sports Park na may halos 100 strength at conditioning centers, outdoor tennis courts, isang 1,000-seat arena at artificial at grass pitches.
Nakatakda namang bumiyahe sina long jumper Marestella Torres, long distance runner Rene Herrera at coach Joseph Sy sa Hong Kong ngayong gabi patungong London para sa training camp.
Nakatakda namang umalis si Mark Anthony Barriga sa Hulyo 5 kasama ang kanyang coach na si Barcelona Olympics bronze medalist Roel Velasco.
Tanging 11 atleta lamang ang naipasok ng Pilipinas sa Olympics na suportado ng ICTSI, Bank of Philippine Islands, Samsonite, Mizuno, Smart Sports, Petron at Philracom.