Parañaque chessfest

MANILA, Philippines - Magbabalik ang first Saturday non-master 1950 tournament sa Hulyo 7 kung saan inaasahang malaking bilang ng mga kalahok ang maglalaban-laban sa Perez Bldg., (fourth floor), Doña Soledad Ave. cor. Australia St. Better Living, Parañaque City.

Ang mga kompetisyon ay lalaruin sa college, high school at elementary gayundin sa ladies at seniors divisions na may cash prizes na nakataya, ayon sa organi­zing Barangay Don Bosco Chess Club at Parañaque Chess Association.

Para sa gustong magpatala, makipag-ugna­yan kay Bong Pineda sa 383-4996, 8066462 o 09197227552; Cecil Padua at 09228418251; o Tonton sa 384-1884.

Show comments