Nationals-BP All-Star match ikinasa

MANILA, Philippines - Magdaraos ang Baseball Philippines ng serye ng exhibition games bilang bahagi sa pagdiriwang ng Fil-Am Friendship Day sa Linggo (Hulyo 8) sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Panauhin si United States Ambassador to the Phi­lippines Harry Thomas, na isa ring basebal buff, sa nasabing event na inorganisa ng Community Sports Inc.

Tampok sa isang araw na festival na dadaluhan din ni Philippine Sports commissioner Jolly Gomez, ang pag­haharap sa pagitan ng Baseball Phils. All-Star pla­­yers laban sa national team sa alas-11:30 ng tanghali, na magsisilbi rin nilang paghahanda para sa World Baseball Classic qualifiers sa Nobyembre.

Idaraos rin ang exhibition game sa pagitan ng Philippine Barakos at Smokey Mountain team at gayundin ang fun games na highlight sa nasabing event na magsisimula ng alas-8:30 ng umaga.

Isang baseball clinic para sa mga kabataan ang idaraos ng mga coaches at Baseball Philippines All-Stars matapos ang exhibition games.

Show comments