^

PSN Palaro

Abueva humataw sa paggiba ng Stags sa Altas

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kumulekta ng triple-double performance si Calvin Abueva para tulungan ang San Sebastian Stags na kunin ang 80-65 panalo laban sa University of Perpetual Help System Dalta sa 88th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 15 puntos, 15 rebounds at 11 assists ang nagdedepensang Most Valuable Player ng liga at pinagningas niya ang mainit na paglalaro sa second half tungo sa paglista ng ikalawang sunod na panalo matapos ang kabiguan sa kamay ng Letran sa unang asignatura.

Ang 3-point play na nasundan ng isang split ni Abueva ang nagtulak sa Stags sa 67-48 kalamangan bago ibinigay ni Bobby Balucanag ang pinakamalaking kalamangan sa laro na 71-57, may 6:05 sa orasan.

Si Ian Sangalang ay mayroong 23 puntos at 10 rebounds habang 16 at 15 puntos ang ibinigay nina Jovit dela Cruz at Michael Juico para sa balanseng pag-atake ng nagwaging team

Unang pagkatalo ito ng tropa ni coach Aric del Rosario sa tatlong laro at na­sayang ang matinding laban na ipinakita ng Altas sa first half na kung saan naiwanan lamang sila ng isang puntos sa halftime, 35-34, nang naipasok ni Michael Vincent Juico ang isang buzzer-beater.

“I just told the boys to play smart and focus on making stops,” ani Stags coach Topex Robinson.

Tinabunan ang panalong ito ng kagila-gilalas na 171-14 tagumpay ng San Beda Red Cubs sa Lyceum Junior Pirates sa laro sa juniors.  

BOBBY BALUCANAG

CALVIN ABUEVA

LYCEUM JUNIOR PIRATES

MICHAEL JUICO

MICHAEL VINCENT JUICO

MOST VALUABLE PLAYER

SAN BEDA RED CUBS

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN STAGS

SI IAN SANGALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with