^

PSN Palaro

Baguio leg dinomina nina Sore, Martes

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hinirang bilang mga unang kampeon sa 36th National Milo Marathon sina Hernanie Sore at Christabel Martes na ginawa kahapon sa Baguio City.

Ang 30-anyos na si Sore ay naorasan ng 1:14:59 para pangunahan ang kala­la­kihang lumahok sa 21-kilometer karera habang si Martes ay nagsumite ng 1:34:46 para dominahin ang kababaihan.

“Hindi ako nakapagsa­nay kaya nagulat ako na nanalo pa ako,” wika ni Sore na tinalo sina Cesar Lastaneto Jr. (1:15;)3) at Marson Tarcelo (1:20:18).

Pumangalawa kay Martes sina Mercy Taypok ng University of Baguio (1:38:30) at Gretchen Felipe (1:49:32).

Ang nangunang 25 kalalakihan at 3 kababaihan ang nakalusot sa qualifying criteria at makakasali sa National Finals sa Disyembre 9 sa SM Mall Of Asia sa Pasay City

Matapos ang Baguio ay lilipat ang regional qualifying sa Dagupan sa Hulyo 8.

Susunod na leg ay sa Hulyo 15 na gaganapin naman sa Angeles City.

ANGELES CITY

BAGUIO CITY

CESAR LASTANETO JR.

CHRISTABEL MARTES

GRETCHEN FELIPE

HERNANIE SORE

HULYO

MALL OF ASIA

MARSON TARCELO

MERCY TAYPOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with